the scene… as we know it…
Tuesday, July 3rd, 2007napaasnsin nyo bang paunti ng painto ang pinapatugtog na matinong banda sa radio? nagiging "i-tak-tak mo" at "de-do-do-doo- de-da-da-ahhh" hay…. kakalungkot… alam nyo ba kung ano na ang nagyayari sa ating eksena? may mga radio na nagsimula nang iwasan patugtugin ang mga banda dahil nais daw nila baguhin ang "uso"…
"uso"? bakit? "uso" lang ba tong matitinong tugtugin na nangyayari nung mga makailang buwan? "novelty" ba at tipong "hanggang dito na lang"?
huwag niyong hayaan diktahan nila kayo… naalala ko nung ‘92 nung umusbong ang earaserheads at nagsimulang mamuhay ang mga pinoy bands scene eh walang magawa ang mga nasapwesto… nung bumalik si bamboo at pinahahayag nyang "hoy! pinoy ako!" at nagsimula ulit mapansin ang eksena… di naman ito nawawala… ang bamboo naalala ko pa sa 70’s bistro dati kokonti lang kaming nanonood… puro pa kaibigan..
sa akin lang… wag nyong hayaan paapekto sa mga nais nilang gawin. sundin nyo lang ang nasa puso… sabi nga ni danny javier sa kami nAPO muna… "damhin nyo na lang ang puso"
hay naku…
suportahan ang eksenang pilit binabago ng radio…
tagkilikin ang tumatangkilik…
kung walang magpapaepekto… wala silang magagawa kundi pakinggan ang nais mangyari ng tao…
^_^ !